Hindi mo ba napapansin

Sa tuwing dumarating ang Pasko

Tila nagbabago

Ang lahat sa paligid mo

 

Kumikislap ang mga ilaw

Makulay na parol ay matatanaw

Mga batang nagkakaroling

Konting barya lang ang hiling

 

Lahat ay abala

Sa iba’t ibang paghahanda

Alas-4 ng umaga

Simbang gabi ay heto na.

 

Sama-sama sa tuwa

Lumbay saglit na nawawala

Buong baya’y sumisigla

Sa paskong anong saya.

 

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong inaasam?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong dumaraan?

 

Di ba’t ang tunay na kahulugan

Ng Paskong inaabangan

Ay pag-aalay ng pag-ibig

Sa kapwa mo.

 

Tulad ni Hesus

Na nag-alay ng buhay

Nang kaligtasa’y makamtan

Ng sanlibutan.

 

Lahat ay abala

Sa iba’t ibang paghahanda

Alas-4 ng umaga

Simbang gabi ay heto na.

 

Sama-sama sa tuwa

Lumbay saglit na nawawala

Buong baya’y sumisigla

Sa paskong anong saya.

 

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong inaasam?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong dumaraan?

 

Kailan mo ba mapapansin

Di man sa araw ng Pasko

Ang mga batang humihiling

Ng kalinga mo at pagtingin.

 

Kailan kaya matatamo

Kapayapaan sa bayan ko?

Katarungang inaasam

Pag-ibig na walang hanggan.

 

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong inaasam?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong dumaraan?

 

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong inaasam?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan

Ng bawat Paskong dumaraan?